Mister hinalo ang shabu sa ulam ng inmate na misis, kalaboso
MANILA, Philippines — Kasama na ni misis sa kulungan ang kanyang mister matapos makita ang shabu na hinalo sa dala nitong ulam para sa kanyang misis, naganap sa Quezon City Police District (QCPD) Kamuning Police Station 10.
Kinilala ang nadakip na si Jules Guinto, 49, welder, nakatira sa No. 47 Miyerkules St., Landcom Village Sta. Mesa Maynila.
Base sa ulat, alas-5:30 ng hapon nang maganap ang insidente sa loob ng nasabing police station nang dalawin ng suspek ang nakapiit nitong misis para dalhan ng pagkain.
Subalit nang inspeksyunin ni P/Cpl Reymark Rigor ang dalang ulam na nakalagay sa tupperware ay tumambad ang isang plastic sachet na naglalaman ng shabu dahilan upang siya ay agad arestuhin.
- Latest