^

Police Metro

Galing Pook Award, naibuslo ng Quezon City

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Naibuslo ng Quezon City government ang Ga­ling Pook award dahil sa kanilang multi-sectoral and community-based food security initiative na tinawag na GrowQC: Kasama ka sa Pag-unlad sa Pagkain, Kabuhayan, at Kalusugan Food Security Program ngayong taon.

“Sa ngalan po ng mga mamamayan ng Lungsod Quezon lalung-lalo na sa ating urban farmers, kami po ay nagpapasalamat sa pagkilala sa aming programa na ipinanganak lamang sa panahon ng pandemya upang makapagbi­gay kami ng masustan­syang pagkain nang hindi umaasa lamang sa mga de lata at pagkain na ipinamimigay,” pahayag ni QC Mayor Joy  Belmonte.

Nakopo ng programa ang United Nations Sustainable Development Goals (SDG) #2 – Zero Hunger, SDG#3 – Good Health & Well-being, SDG#8 – Decent Work & Economic Growth, and SDG#17 – Partnership para sa Sustainable Deve­lopment Goals.

“This program is a testament that we can be self-reliant even if we are in a highly-urbanized city. Ang GrowQC ay hindi lamang urban farming, tinitingnan din nito ang mas magandang pagdaloy ng pagkain,” sabi ni Belmonte.

Bahagi ng improved Food Systems ay ang pag­likha sa community-level food hubs at markets na pinapayagan ang mga agricultural raw materials na maging available at dagdag pagkukunan ng pagkakakitaan.

Ang dalawang iba pang programa ng QC na nasa top 22 finalists ng Galing Pook awards ay ang Quezon City Human Milk Bank (QCHMB) na nagkakaloob ng fresh milk sa mga bagong panganak na sanggol para mabuhay at ang isa ay ang Kabahagi Center for Children with Disabilities na tumutulong sa mahihirap na kabataang may kapansanan at kanilang mga pamilya.

Pinasalamatan naman ni Belmonte ang lahat ng mga empleyado ng QC government dahil sa mahusay na pagtatrabaho para maging tagumpay ang naturang mga programa sa lungsod.

GALING POOK AWARD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with