Pag-aalis ng quarantine sa papasok ng bansa, kinuwestyon
MANILA, Philippines — “I wasn’t part of that IATF (Inter-Agency Task Force against Emerging Infectious Diseases) that deliberated on this yesterday. I was in another budget hearing with the Senate.”
Ito ang sinabi ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III na kumukwestyon sa naging desisyon na alisin na ang mandatory quarantine o isolation sa mga papasok ng bansa na fully vaccinated travelers mula sa ‘green countries’.
Hindi umano ikinonsulta sa kaniya ang hakbang na ito at wala rin umano sa pagdedesisyon nito sina vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr at Interior Secretary Eduardo Año.
Sa kabilang banda, suportado niya ang limang araw na quarantine na kasunod ay confirmatory test na talagang negatibo sa COVID-19 ang isang biyahero.
Naaalala niya rin umano na ang sinabi lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte ay pagpapaikli sa quarantine period, pero hindi ang tuluyang pag-aalis nito.
Hindi rin umano maaaring magkumpara sa ibang bansa dahil mababa pa rin ang ating national vaccine coverage.
Related video:
- Latest