Mga IP lider sa Surigao, kinamumuhian ang Makabayan Bloc
MANILA, Philippines — Kinamumuhian ng mga lider ng Indigenous People (IP) sa Surigao ang kasinungalingan na pinapakalat ng mga miyembro ng Makabayan Bloc tungkol sa insidente ng pagkakapatay sa tatlo nilang katribu na pinilit na isinali bilang mandirigma ng komunistang-teroristang New People’s Army (NPA).
Sinabi ni Datu Constancio Duhac, lider ng IP sa Lianga, Surigao del Sur sa lingguhang ‘virtual’ na balitaan ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na pawang mga kasinungalingan ang ikinakalat na mga balita ng Makabayan Bloc at mga kaalyado nitong organisasyon gaya ng Save Our School (SOS) Network.
Pakiusap ni Duhac sa Makabayan Bloc na irespeto ang Tribal Council ng Lianga at ang sarili nitong pagsasagawa ng imbestigasyon sa insidente na nakapaloob sa Republic Act 8371 o ang Indigenous People’s Rights Act (IPRA) ng1997 lalo pa’t sapilitang dinukot at pilit na ginawang mga mandirigma ng NPA kaya napaslang sa engkuwentro sa mga militar noong June 15, 2021 sa Barangay Datagan sa Lianga.
Naniniwala si Duhac na ang panawagan ng Makabayan Bloc at pagpapakalat ng mga maling impormasyon ay para lamang umano na makalikom ng donasyon sa mga banyagang organisasyong naloloko ng mga ito.
- Latest