Tambalang Sara-Gibo sa 2022 elections, lumalakas
MANILA, Philippines — Lalong lumalakas ang suporta sa posibleng tandem sa pagka-presidente at bise presidente para sa 2022 national elections nina Davao City Mayor Sara Duterte at dating Defense Secretary Gilberto “Gibo” Teodoro Jr.
Ayon kay dating 1st District Camarines Sur Rep. Rolando “Nonoy” Andaya Jr., dumarami ang mga kongresista at mga opisyal sa pamahalaang lokal ang nagpahayag ng suporta sa Duterte–Gibo tandem.
Si Andaya ang nagsisilbing spokesman sa nilulutong tandem ng dalawa sakaling opisyal na nilang ihayag ang kanilang kandidatura.
Sinabi ni Andaya na sa katunayan ay si Quezon City Mayor Joy Belmonte at ama nitong si dating House Speaker Feliciano “Sonny “ Belmonte Jr., ang nagpahayag ng suporta sa posibleng kandidatura ng dalawa sa pagka-Pangulo at pagka-bise Presidente.
Ayon kay Andaya, inaasahan na ang pagsuporta sa Sara-Gibo tandem ni Mayor Belmonte dahil kaibigan nito ang presidential daughter at bilang mga babae ay nagkakaintindihan sila habang ang dating Defense chief ay nakatrabaho naman ni dating House Speaker Belmonte noong kongresista pa sa Tarlac si Teodoro.
Kabilang pa sa sumusuporta sa posibleng tandem ng dalawa ay sina dating Parañaque Rep. Gus Tambunting, Cebu Rep. Eddie Gullas at Cagayan de Oro City Mayor Oscar Moreno at marami pang iba.
Lumalakas din umano ang suporta ng dalawa sa Luzon, Visayas at Mindanao na inaasahang madaragdagan pa kung magdesisyon silang mag-tandem sa national polls sa bansa.
- Latest