US naglabas ng travel advisory dahil sa kaso ng COVID-19 sa Pinas
MANILA, Philippines — Hinihikayat ng US State Department ang kanilang mamamayan na pag-isipan at ipagpaliban ang pagbiyahe sa Pilipinas dahil sa COVID-19 pandemic.
Sa inilabas na travel advisory, binanggit na nagpalabas na ang Centers for Disease Control and Prevention ng Level 3 Travel Health Notice sa Pilipinas base sa ‘high level of COVID-19’ sa bansa.
Nakasaad din sa advisory na ang kanilang mga mamamayan na gustong pumunta sa Pilipinas ay dapat siguruhin na kumpleto na sila sa bakuna laban sa coronavirus. Habang ang mga wala pang bakuna ay dapat iwasan ang non-essential travel sa bansa.
Dapat din umanong sumunod ang mga pupunta sa Pilipinas sa itinatakdang health protocols katulad ng pagsusuot ng mask at physical distancing na 6 feet ang layo.
Magugunita na noong buwan ng Abril ay nagpalabas na ang US laban sa lahat ng magtutungo dito sa Pilipinas dahil sa “very high” level ng COVID-19 sa bansa.
- Latest