MANILA, Philippines — Sampung katao ang nadakip ng mga otoridad nang salakayin ang isang tupada sa Malabon City, kamakalawa.
Kinilala ang mga naarestong suspek na sina Rene Nanca, 38; Nestor Anggoring, 28; Richard Cagas, 31; Danny Tigawon, 54; Vicente Endrano, 45; Edgar Dela Cruz, 43; Jaime Crispo, 57; Joseph Biraquit, 37; Jerry Tigauon, 51, at Rowel Ogacho, 41.
Ayon sa pulisya na nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa nagaganap na tupada sa kahabaan ng T.S Cruz St., Brgy., Panghulo, kaya’t sinalakay, dakong alas-11:45 ng umaga na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek.
Nakumpiska ng mga pulis ang dalawang patay na panabong na manok na may tari at P11,000 bet money.