Higit 200k trabaho muling magbabalik sa GCQ
MANILA, Philippines — Makaraang ibaba na sa ‘general community quarantine’ (GCQ) ang restriksyon sa National Capital Region, Laguna, Cavite, Rizal at Bulacan ay umaasa si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez ay magbabalik na rin ang mula 200,000 hanggang 300,000 trabaho na napilitang tanggalin ang mga negosyo dahil sa mas mahigpit na enhanced community quarantine (ECQ).
Malaking ginhawa rin umano ang dulot nito na higit sa 200,000 hanggang 300,000 trabaho ang magbabalik na nawalan noon ng trabaho ay maaari nang maghanapbuhay para sa kanilang pamilya.
Sa datos ng DTI, nasa 1.5 milyong trabaho ang nawala magpatupad ng ECQ noong Marso at bumaba sa 1 milyon nang ibaba ito sa ‘modified ECQ’.
Sa kasalukuyan, bumaba na ito sa 700,000 nang payagan ng pamahalaan ang limitadong operasyon ng mga ‘dine-in restaurants, barberya, at mga parlors.
Kabilang sa mga ‘economic activities’ na papayagan sa ‘GCQ with heightened restriction’ ang 20% indoor dine-in, 50% outdoor dining at mga ‘outdoor tourism’.
- Latest