MANILA, Philippines — Magdaragdag ang gobyerno ng supply ng oxygen at Remdesivir na napatunayang nakakatulong sa mga pasyenteng may COVID-19.
Sinabi ni presidential spokesperson Harry Roque na ang hakbang ay isang “contingency” sakaling tumaas ang demand para sa oxygen at gamot na Remdesivir.
“In-assure naman po tayo na sapat-sapat ang supply natin, pero nagkaroon po tayo contingency kung paano po tayo kukuha ng karagdagang oxygen just in case kinakailangan po,” ani Roque kamakalawa.
Idinagdag ni Roque na natuto na ang gobyerno sa mga dapat gawin sa nakalipas na isang taon na nilalaban ang COVID-19. Mas mabuti na aniya na sapat ang suplay lalo pa’t hindi pa naman tiyak kung kailan matatapos ang pandemya.