MANILA, Philippines — Isang compassionate special permit (CSP) at hindi emergency use authorization (EUA) ang iniisyu ng Food and Drug Administration (FDA) sa Remdesivir na ginagamit ng ilang ospital para sa mga pasyenteng may coronavirus disease 2019 (COVID-19) infections,
Sa ipinalabas na FDA Advisory No. 2021-0759 na may petsang Abril 17, 2021, nilinaw nito na wala pang Certificate of Product Registration (CPR) sa Pilipinas ang Remdesivir na ginagamit panggamot ngayon sa sa mga adult at pediatric na COVID-19 patients na kinakailangang maospital.
Ayon sa FDA, kinikilala ng ahensiya ang potensyal na maitutulong ng mga investigational products tulad ng Remdesivir sa COVID-19.
Ayon kay FDA Director general Eric Domingo na anumang produkto na may CSP ay hindi pinapahintulutang maibenta ‘commercially’.