^

Police Metro

DOH nagbabala sa paggamit ng oxygen tank sa mga bahay

Ludy Bermudo - Pang-masa
DOH nagbabala sa paggamit ng oxygen tank sa mga bahay
Ito ang babala ni Department of Health (DOH) Undersecretary Ma. Rosario Vergeire sa paggamit ng mga oxygen tank sa kani-kanilang bahay na sa halip na makabuti, posibleng mas makasama pa sa kondisyon ng pasyente ang maling paggamit ng oxygen tank.

MANILA, Philippines — “Hindi simple ang paggamit ng oxygen tank at dapat na ‘appropriate’ ang level ng oxygen  base sa kondisyon ng pasyente dahil maaring mas makasama ito sa halip na makatulong.”

Ito ang babala ni Department of Health (DOH) Undersecretary Ma. Rosario Vergeire sa paggamit ng mga oxygen tank sa kani-kanilang bahay na sa halip na makabuti, posibleng mas makasama pa sa kondisyon ng pasyente ang maling paggamit ng oxygen tank.

 Giit ni Vergeire, mas mainam kung alamin muna ng mga tao kung ano ang kanilang nararamdaman bago gumamit ng oxygen tank, upang hindi ito magdulot ng masamang epekto sa paghinga at sa kalusugan.

Dagdag ni Vergeire, baka makaapekto rin sa suplay at pangangailangan ng mga ospital kung ang mga household o mga bahay-bahay ay bibili o magkakaroon ng sariling mga oxygen tank.

Nakikiusap si Vergeire sa mga supplier, o kaya’y sa mga taong nagbebenta o nagpapahiram ng oxygen tanks na sana ay iprayoridad muna ang mga ospital kung saan ginagamit ang mga oxygen tank para sa mga pasyenteng severe o kritikal ang kaso ng COVID-19.

DOH

ROSARIO VERGEIRE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with