MANILA, Philippines — Mababawi ng Pilipinas ang ranking nito sa tinaguriang ‘top 50 digital nation’ sa ilalim ng Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE) Act partikular na sa Manila sa Global Innovation Index (GII) na sumadsad ngayong taon mula sa dating mataas nitong puwesto noong nakalipas na 2020.
Ito ang muling inaasahan ni 2nd District Albay Rep. Joey Salceda, Chairman ng House Committee on Ways and means ang CREATE Act na naghihintay na lamang ng lagda ni Pangul
Ranking sa Create Act mababawi ng Pinas
Joy Cantos
MANILA, Philippines — Mababawi ng Pilipinas ang ranking nito sa tinaguriang ‘top 50 digital nation’ sa ilalim ng Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE) Act partikular na sa Manila sa Global Innovation Index (GII) na sumadsad ngayong taon mula sa dating mataas nitong puwesto noong nakalipas na 2020.
Ito ang muling inaasahan ni 2nd District Albay Rep. Joey Salceda, Chairman ng House Committee on Ways and means ang CREATE Act na naghihintay na lamang ng lagda ni Pangulong Rodrigo Duterte upang maging ganap na batas.
Ang tinutukoy ni Salceda ay ang “Tholons Global Innovation Index 2021 (TGII)” report na ipinalabas kamakailan kung saan bumagsak sa ika-18 puwesto ang Pilipinas mula sa pang-5 ranggo nito sa kategoryang “Top 50 Digital Nations.”
Samantalang pang-8 na lang ang Maynila mula sa pangalawa noong 2020 sa kategoryang “Top 100 Super Cities” ng Tholons, tagapayo ng GII.
Inihayag ni Salceda na hindi ito sapat na dahilan para maalarma ang bansa, pero kung hindi ito agad na maaksyunan ay malamang na humina ang sektor ng “Business Process Outsourcing” na siyang nagbibigay ng maraming trabaho sa mga Pinoy kung saan patuloy pa rin itong lumalago.
ong Rodrigo Duterte upang maging ganap na batas.