MANILA, Philippines — Ibinaba ng Department of Tourism sa dalawang buwan ang suspensyon ng accreditation ng City Garden Grand Hotel kung saan namatay si Christine Dacera.
Unang pinatawan ng P10,000 multa at anim na buwang suspensyon ang naturang hotel sa paglabag sa health protocols kung saan pinayagan nito ang mga bisita para sa leisure purposes.
Ngunit dahil sa apela ng mga hotel at mga empleyado nito, pinagmulta ng P10,000 at ibinaba sa dalawang buwan ang suspensyon.
“The said penalties were imposed upon a finding by DOT that CGGH had accommodated guests for leisure purposes despite being a quarantine facility,” pahayag ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat.
Lahad ni Puyat na nagsumite ng apela ang pamunuan ng hotel nitong Enero 27.
“Nevertheless, the DOT gave CGGH a stern warning on record that any further violation of whatever nature of current rules shall be dealt with accordingly,” aniya.