^

Police Metro

MMDA sa NCR mayors renta ng meat vendors ‘wag munang singilin

Danilo Garcia - Pang-masa
MMDA sa NCR mayors renta ng meat vendors âwag munang singilin
Tiniyak naman ni Abalos na ipatutupad ang mga naturang hakbang sa lahat ng lokal na pamahalaan na sinasakop ng MMDA upang masiguro na mai­patupad ng maayos ang “price ceiling” sa lahat ng pamilihan sa Metro Manila.
The STAR/Michael Varcas, file

MANILA, Philippines — “Huwag munang mani­ngil ng ara­wang renta ng mga vendor ng baboy at manok na tumigil sa pagbebenta dahil sa kinakaharap na kakulangan ng suplay nito.”

Ito ang plano ng pamunuan ng Metropolitan Manila Development (MMDA) na kumbinsihin ang 17 alkalde sa National Capital Region (NCR).

Ang naturang paha­yag ni MMDA Chairman Benhur Abalos ay mula sa panukala ni Quezon City Mayor Joy Belmonte makaraang magsagawa sila ng inspeksyon sa Mega Q Mart at Commonwealth Market sa Quezon City gayundin sa SM Hypermarket sa Mandaluyong City kasama sina Department of Agriculture (DA) Sec. William Dar at Department of Trade and Industry (DTI) Sec. Ramon Lopez upang imonitor ang ipinapatupad na “price cap” sa mga nagtitinda sa gitna ng kakulangan sa baboy.

Tiniyak naman ni Abalos na ipatutupad ang mga naturang hakbang sa lahat ng lokal na pamahalaan na sinasakop ng MMDA upang masiguro na mai­patupad ng maayos ang “price ceiling” sa lahat ng pamilihan sa Metro Manila.

Pinuri rin ni Abalos ang pagsisikap ng Agriculture at Trade department na magbigay ng tulong sa pautang sa mga nagtitinda sa merkado.

Samantala sa Maynila, iniulat ng Manila Market Administration Office na unti-unti nang nagsisibalik sa pagtitinda ang mga meat vendors.

MEAT VENDORS ASSOCIATION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with