Trike driver tiklo sa P2.72 milyong shabu

Matapos madamba ay nasamsam ang siyam na heat-sealed transpa­rent plastic sachet na nag­lalaman ng hinihinalang shabu na tumi­timbang ng 400 gramo na may street value na P2,720,000.00, isang digital weighing scale, isang unit ng To­yota Corolla na kulay pula na may plakang TLE 296 at perang ginamit bilang marked money.
Philstar.com/ Irish Lising, file

MANILA, Philippines — Hindi na nagawang bumarurot sa takbo ang isang traysikel drayber matapos na masamsaman ng P2.72 milyong halaga ng hinihinalang shabu, kamakalawa sa Mabalacat City, Pampanga.

Kinilala ang suspek na si Arnel “Bay” Gonzales, 30, nakasama rin sa drug watchlist ng pulisya.

Ayon sa ulat ng PNP, bandang alas-3:30 ng hapon nang ilunsad ang buy bust operation laban sa suspek sa McArthur Highway sa Barangay Tabun.

Matapos madamba ay nasamsam ang siyam na heat-sealed transpa­rent plastic sachet na nag­lalaman ng hinihinalang shabu na tumi­timbang ng 400 gramo na may street value na P2,720,000.00, isang digital weighing scale, isang unit ng To­yota Corolla na kulay pula na may plakang TLE 296 at perang ginamit bilang marked money.

Nasa kostudiya na ng Mabalacat City Police Station si Gonzales at nakatakdang kasuhan.

Show comments