^

Police Metro

Character change, ‘di Charter change ang kailangan — Sotto

Gemma Garcia - Pang-masa
Character change, ‘di Charter change ang kailangan — Sotto
Sinabi ni Sotto na kapag sinabing Charter change, hindi lamang aamyendahan kundi babaguhin nang buo ang Saligang Batas.
The STAR/Mong Pintolo, file

MANILA, Philippines — Inihayag ni Senate President Vicente Sotto III na hindi pa siya kumbinsido na kailangan ang Charter change sa gitna ng mga pagkilos sa dalawang kapulungan ng Kongreso kamakailan upang amyendahan ang Saligang Batas.

Sinabi ni Sotto na kapag sinabing Charter change, hindi lamang aamyendahan kundi babaguhin nang buo ang Saligang Batas.

 “Right now, I am not convinced that we need a Cha-cha, perhaps we need ‘cha-cha:’ character change. That’s what the country needs. So C-H-A C-H-A ‘din yon. But different pronunciation,” dagdag niya.

Kamakailan, inihain nina Senador Ronald “Bato” Dela Rosa at Francis “Tol” Tolentino ang isang re­solusyon na nanawagan na pulungin ang Kongreso bilang constituent assembly upang maghain ng “li­mitadong amendments” sa Saligang Batas.

Naghain din ng katulad ng resolusyon sa Mababang Kapulungan si Speaker Lord Allan Velasco na sumasakop lamang sa ilang probisyon sa ekonomiya.

CHARTER CHANGE COMMISSION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with