Manhunt ops sa Tiamzon couple ipinag-utos na
MANILA, Philippines — Paiigtingin pa ang isinasagawang manhunt operation laban kay dating Communist Party of the Philippines (CPP) Chairman Benito Tiamzon at sa kanyang asawang si dating CPP Secretary General Wilma Tiamzon.
Ito ang kautusan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa Philippine National Police (PNP) matapos na makatanggap ng intelligence reports na nananatili pa rin sa bansa ang mag-asawa, na una nang pinatawan ng Quezon City Regional Trial Court (RTC) Branch 216 ng pagkabilanggo ng reclusion perpetua o hanggang 40 taon dahil sa mga kasong kidnapping at serious illegal detention.
Nabatid na si Año ang hepe ng Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP) nang maaresto niya ang mag-asawang Tiamzon noong Marso 2014 sa Brgy. Zaragoza, Cebu City.
Gayunman, noong Agosto 15, 2016, pinayagang makapagpiyansa ang mga ito upang makalahok sa pormal na peace negotiation sa Oslo, Norway, base na rin sa kahilingan ng National Democratic Front.
Hindi naman na umano nagpakita pa ang dalawa sa hukuman kahit pa nag-collapse na ang peace negotiation, kaya’t kinansela ng hukuman ang kanilang piyansa at inisyuhan sila ng warrant of arrest noong Agosto 29, 2018.
Noong nakaraang linggo lamang naman, hinatulan na ng hukuman ang mag-asawa na guilty sa mga kasong kinakaharap.
Dagdag pa ni Año, ang conviction ng mag-asawa ay isang landmark victory para sa mga Pinoy.
Nagpahayag din siya ng paniniwala na maaresto rin sa lalong madaling panahon ang mga Tiamzon.
- Latest