Pagsuot ng face mask, shield ‘di sapat sa siksikang lugar — DOH
MANILA, Philippines — Inihayag ng Department of Health (DOH) na hindi sapat ang pagsusuot ng face mask at face shield sa mga siksikang lugar.
Ito ang sinabi Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire matapos makita ang isang litrato sa Divisoria na siksikan ang mga tao sa kanilang pamimili.
Ipinaalala ni Vergeire sa mga tao na nariyan pa rin ang COVID-19 at naihahawa kapag naroon sa lugar na talagang siksikan na kahit nakasuot ng face mask at face shield ay hindi sapat kapag pumupunta sa matataong lugar na halos dikit-dikit na kaya’t dapat na iwasan ang mga matataong lugar.
Nagbabala rin si Manila City Mayor Isko Moreno sa mga mamimili na dumadagsa sa Divisoria na posibleng hulihin sila at ikulong kung patuloy na susuwayin ang protocol sa ‘physical distancing’.
Ipinaalala niya na sa loob ng nakalipas na walong buwan, sinabi na ng World Health Organization (WHO) na ang pinakamabilis na paraan para mahawa ng virus ay ang pagiging malapit sa ibang tao kaya isa sa pangunahing ipinatutupad na protocol ang physical distancing.
- Latest