^

Police Metro

Price freeze sa mga lugar na sinalanta ng bagyo

Malou Escudero - Pang-masa
Price freeze sa mga lugar na sinalanta ng bagyo
Nagsagawa ng operasyon ang Meralco katulong ang social development arm nito na One Meralco Foundation (OMF) upang maibalik agad ang kuryente sa Kabikulan na sinalanta ng bagyong Rolly.

MANILA, Philippines — Umiral na ang price freeze sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Ulysses.

Ito ang tiniyak kahapon ni Presidential Spokesperson Harry Roque, ipinatutupad na ang price freeze sa Marikina, Batangas, Cavite, Catanduanes, Mindoro, Palawan at mga probinsiya ng Camarines.

Ang Department of Trade and Industry ang nagpapatupad ng price freeze sa mga lugar na sinalanta ng kalamidad at iiral sa loob ng 60 araw.

“Yong price freeze declaration po na kabahagi ng state of calamity ay kasama po ang Marikina diyan,” ani Roque.

Ang pagpigil sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin ay naaayon sa Price Act of 1992 kung saan otomatikong pini­pigil ang presyo sa mga lugar na nagkaroon ng kalamidad.

BAGYONG ULYSSES

PRICE FREEZE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with