^

Police Metro

Jay Sonza kinasuhan ni Julia Barretto sa NBI

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kinasuhan kahapon sa National Bureau of Investigation (NBI) ni Julia Barretto ang da­ting brodkaster na si Jay Sonza ukol sa post nito sa Facebook na sinasabing nabuntis siya ng aktor na si Gerald Anderson.

Kasama ang kaniyang ina na si Marjorie Barretto, nagtungo si Julia sa NBI Cybercrime Division at hiniling na imbestigahan ang akusasyon ni Sonza na tinawag niyang hindi totoo at iresponsable.

“I am pursuing this case because the statements made by Mr. Sonza are untrue and irresponsible. The widespread reposting of the news based on his post caused distress to me and my family. I don’t want to take this matter lightly. Mr. Sonza, and all those who publish these reckless and baseless posts, must be held accountable for their actions so that they think twice before claiming things as fact,” pahayag ni Julia.

Sinabi pa niya na dapat malaman ng publiko ngayon na ang mga malisyosong post laban sa kaniya ay hindi na niya pinalalagpas ngayon matapos ang napakara­ming pinagdaanan na mga kontrobersya at paninira sa kaniyang pa­ngalan.

Nais din umano niyang turuan ng leksyon hindi lang si Sonza ngunit ang iba pa na nagkakalat ng mga kasinungalingan.

Nitong nakaraang Lunes, nag-post si Sonza ukol sa nakarating sa kaniyang balita na buntis umano si Julia.

“Napatunayan nina Visoy (Visayan Tisoy) Gerald Anderson at anak nina Dennis Padilla at Marjorie Barretto na si Julia Barretto na kapwa hindi sila bago. After months of love lockdown and ESQ (exact sex quadrant) - may nabuo sa sinapupunan ni Julia,” laman ng post ni Sonza.

Nitong Miyerkules, muling nag-post si Sonza na tila humihingi ng dispensa sa kaniyang post at binigyang katwiran ito. Binabawi niya ang kaniyang pagbati na umano’y napaaga lamang at “happy at excited” daw siya kapag may nabibiyayaan ng buhay.

JAY SONZA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with