Clinical trials ng Avigan sa Pinas,muling napurnada

Ito ang inihayag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire dahil hindi pa umano natatapos ng tatlong hospital na makiisa sa trial ang kanilang ethics review sa Avigan.
STAR/File

MANILA, Philippines — Muling napurnada sa ikalawang pagkakataon ang clinical trial sa Pilipinas ng anti-flu drug Avigan nito sanang Martes.

Ito ang inihayag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire dahil hindi pa umano natatapos ng tatlong hospital na makiisa sa trial ang kanilang ethics review sa Avigan.

“Hindi ito naumpisa­han kahapon kasi nagkaroon ng delay sa approval ng ethics review ng identified hospitals na kasama: iyong Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital, Sta. Ana Hospital at Quirino Memorial Medical Center,” ani Vergeire.

Dumadaan pa naman sa legal na pagbalangkas ang gagawing clinical trial para sana sa Philippine General Hospital kaya hindi pa rin ito nasisimulan.

Nauna nang hindi na­tuloy ang dapat sanang trial noong kalagitnaan ng Agosto na inusog nitong Setyembre 1, pero hindi muli natuloy na kung saan ay nasa 100 pasyente ang makikiisa dito.

Ang Avigan ay pinaniniwalaang nakagagamot sa sintomas ng coronavirus disease.

Show comments