2 babaeng suicide bomber nasa likod ng Jolo blast
MANILA, Philippines — Dalawang babaeng suicide bombers ang nasa likod ng magkasunod na pagsabog sa Jolo, Sulu, kamakalawa ng tanghali na ikinasawi ng 15 katao kabilang ang pitong sundalo at pagkasugat ng 72 iba pa.
Ito ang sinabi ni Philippine Army (PA) Commanding General, Lt. General Cirilito Sobejana at isa dito ay Indonesian national na biyuda ng local terrorist na si Norman Lasuca, 23-anyos na kauna-unahang Pinoy suicide bomber na nagpasabog ng sarili sa isang military camp sa Indanan, Sulu noong June 2019.
Sinabi ni Sobejana na patuloy na kinakalap ang mga nagkalat na flesh sa bombing site upang maisailalim sa scientific testing para tuluyang makumpirma ang pagkakakilanlan ng dalawang babaeng bomber.
Ayon naman kay Joint Task Force Sulu Commander Brigadier General William Gonzales na nakita sa CCTV footage, ang unang pagsabog ay sa harap ng Paradise Food Shop kung saan dala umano ng suicide bomber ang bomba bunsod na rin ng pagkakalasug-lasog ng katawan nito.
Ang pangalawang pagsabog ay kagagawan din ng babaeng suicide bomber dahil sa nakita ang babae na nakasuot ng burka ang lumapit sa isang sundalo hanggang sa sumabog. - Rhoderick Beñez
- Latest