^

Police Metro

DOH bibili na ng PPE sa mga lokal na manufacturer

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Balak na rin ng Department of Health (DOH) na tangkilikin ang produktong PPEs (personal protective equipments) ng mga lokal na manufacturers at suppliers.

 “We are supportive of our local suppliers. We worked with DTI (Department of Trade and Industry) so industries can produce medical grade PPEs,” ang pahayag kahapon ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Sa ilalim umano ng Bayanihan to Recover as One Act (Bayanihan 2), umaasa ang DOH na papasok na ang mga lokal na suppliers at manufacturers sa pagsu-suplay sa pamahalaan ng mga medical grade PPEs.

Ang reaksyon ay matapos na magreklamo ang mga miyembro ng Confe­deration of Philippine Ma­nufacturers of PPE (CPMP) na hindi binibigyan ng prayoridad ng pamahalaan ang sariling mga negos­yante at bumibili pa ng PPEs sa mga supplier sa ibang bansa.

DOH

PPES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with