^

Police Metro

Kamara tinalakay na ang CDCP bill

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Para maging handa ang bansa sa mga matitin­ding sakit at pandemya, at pa­ngalagaan ang kalusugan at buhay ng mga Pinoy sa panahon ng pananalasa ng mga ito ay sinimulang talakayin sa Kamara ang panukalang batas (HB 6096) na lilikha ng ‘Center for Disease Control and Prevention (CDCP)’ ni Albay Rep.Joey Salceda.

Idineklarang prayoridad ni Pangulong Duterte ang HB 6096 sa State of the Nation Address (SONA) niya noong Hulyo na inihain ni Salceda noong Enero para mapaghandaan ang kumakalat na Covid-19 pandemic noon.

Ayon kay Salceda, chairman ng House Ways and Means committee, “maaaring mapabilis ang pagtalakay sa HB 6096 dahil suportado ito ng mga kasamahan niyang mambabatas at 167 ang ‘co-authors’ nito, bukod sa malinaw na tagubilin ng Pangulo na sadyang kailangan natin ito.”

Sa pamamagitan ng ‘Zoom live conference’ sinimulang talakayin ito ng House Committee on Health ngayong linggo ang mga panukala ni Salceda na naglalatag ng mga akmang balangkas kaugnay sa ‘quarantine, disease surveillance,’ at ‘contact tracing’ na ginagawa na ngayon.

Pangunahing tampok ng bill ang kaisipang maaaring magkaroon ng malawakang pagkakasakit sa bansa at dapat maging handa rito ang mga Pinoy.

CDCP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with