Clinical trials ng Avigan inumpisahan na

Kabilang sa mga pagamutang sasailalim sa trials ang Philippine General Hospital, Sta. Ana Hospital, Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital at ang Quirino Memorial Medical Center.
STAR/File

MANILA, Philippines — Para makita ang pagiging epektibo sa pag­laban sa virus at sa mga sintomas nito ay inum­pisahan na kahapon ang clinical trial ng Japanese drug na Avigan sa mga pasyente ng COVID-19 sa Pilipinas at tatagal ng siyam na buwan.

Nabatid na ang Pilipinas ay nakatanggap ng 199,000 tabletas ng nasabing gamot mula sa Japan.

Ang Avigan ay isang uri ng anti-flu na gamot na layong labanan ang matinding lagnat at iba pang tila trangkaso na sintomas ng virus.

Kabilang sa mga pagamutang sasailalim sa trials ang Philippine General Hospital, Sta. Ana Hospital, Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital at ang Quirino Memorial Medical Center.

Matapos ang siyam na buwan, magsusumite ang Pilipinas ng nakitang resulta sa World Health Organization (WHO) na siyang nagsasagawa ng mga trials sa iba’t ibang parte ng mundo laban sa virus.

Show comments