MANILA, Philippines — ‘Exempted’ ang medical frontliners sa modified number coding scheme na ipatutupad sa Hunyo 1, 2020.
Ito ang nilinaw kahapon ni Metro Manila Development Authority (MMDA) General Manager Jojo Garcia na hindi huhulihin kapag frontliner at nasa medical field lalong lalo na emergency.
Ang paglilinaw na ito ay taliwas sa naunang mga ulat na hindi exempted ang medical frontliners kung sakay sila ng restricted license plates.
Gayunman, hinikayat ang mga ito na kung maari ay hindi lamang isa ang dapat na pasahero upang i-maximize ang gamit nito lalo na sa panahon ngayong limitado lang ang pinapayagang bumiyaheng mga sasakyan.
Sa ilalim ng modified number coding scheme, ang coded-vehicles ay papayagan sa major roads kung may sakay sila na kahit isang pasahero.