^

Police Metro

‘Full online education’ puwedeng magbukas ng klase anumang oras

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kung gagamit sila ng “full online education” o hindi papupuntahin ang mga estudyante sa mga eskuwelahan ay maaari nang magbukas ng klase kahit anong oras ang mga higher education institutions (HEIs).

Ito ang sinabi ni Pre­sidential Spokesperson Harry Roque,nang aprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the management of emerging infectious diseases ang rekomedasyon ng Commission on Higher Education (CHED) tungkol sa pagbubukas ng klase na ibabase sa education delivery mode.

“In-adopt ang mga sumusunod na rekomendasyon po ng CHEd o Commission on Higher Education: Ang pagbubukas ng klase po para sa mga higher education institutions ay nakabase sa education delivery mode,” ani Roque.

Ang mga institusyon na  hindi magkakaroon ng “face-to-face o in person mode” ay malayang magbukas ng klase anumang petsa.

Pero ang gagamit ng flexible learning ay maaari lamang magbukas sa Agosto.

Ang mga HEIs naman na mas marami ang oras na kailangang magtungo sa paaralan ang mga estud-yante ay hindi papayagang magbukas ng mas maaga sa Setyembre 2020 sa mga lugar na nasa general community quarantine.

CHED

HIGHER EDUCATION INSTITUTIONS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with