PCSO inaprubahan ang P36 milyong medical assistance
MANILA, Philippines — Sinabi ni PCSO General Manager Royina Garma, kahit pa suspendido ang mga operasyon ng ahensiya sa main at extension offices nito dahil na rin sa banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa, inaprubahan pa rin nila ang kabuuang P38,855,070.66 medical assistance, para sa confinement, chemotherapy, dialysis, hemophilia at post operation medicines ng mahihirap na mamamayan at nasa kabuuang 4,468 eligible indigent beneficiaries sa buong bansa ang makikinabang.
Mula Abril 20-24, 2020 lamang, ang National Capital Region (NCR) ay nag-apruba ng assistance na nagkakahalaga ng P4,400,600 para sa 340 indibidwal, P9,072,617.77 sa Southern Tagalog at Bicol Region (STBR) para sa 1,101 pasyente, P12,144,575.00 sa Northern at Central Luzon na may 1,432 kaso, P8,141,439.89 sa Visayas Region para sa 858 kliyente at P5,095,838 para sa Mindanao Region na may 737 kaso.
Tiniyak pa niya na palaging katuwang at maaasahan ng mga mamamayan ang PCSO sa anumang kakaharaping pagsubok ng bansa sa pamamagitan ng kanilang Medical Access Program (MAP).
- Latest