^

Police Metro

Total lockdown ikinokonsidera sa Cavite

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dahil sa patuloy na pagdami ng kaso ng COVID-19 ay posibleng magpatupad ng total lockdown sa lalawigan ng Cavite.

Ayon kay Cavite Gov. Jonvic Remulla, nakapagtala ng walong bagong kaso ng COVID-19 sa lalawigan na resulta sa katigasan ng ulo ng mga residente at hindi pagsunod sa ipinatutupad na guidelines.

Sinabi ni Remulla na dapat sana ay mas maaga siyang nakapagpatupad ng mas mahigpit na enhanced community quarantine.

Dahil sa patuloy na pagdami ng kaso, hihingi ng dagdag na reinforcement si Remulla sa Philippine Army na magmamando sa iba’t ibang lugar sa lalawigan.

Sisimulan na rin ni Remulla ang pakikipag-usap sa mga alkalde para sa posibilidad na magpatupad ng lockdown.

TOTAL LOCKDOWN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with