3 pusher napatay sa engkuwentro
MANILA, Philippines — Tatlong drug pusher ang nasawi nang makaengkuwentro ang mga otoridad sa Tipas, Taguig City kamakalawa.
Ang mga nasawing suspek ay kinilalang sina Adam Kamid Chiongbian, miyembro ng gun-for-hire group, dating nakulong sa kasong iligal na droga at pangunahing suspek sa pagpatay kay PO1 Angel Babaran noong taong 2014 at Patrolman Ralph Aquino noong 2019; Ronaldo Jarumay Villanueva alyas ‘kuntil’, isang gun-for-hire; at Edward Dagwayan Galleposo alyas “Edong, kasabwat ng dalawang suspek sa carnapping at drug peddling.
Sa imbestigasyon, bago naganap ang shootout, alas-4:00 ng hapon sa Barangay Ibayo, Tipas ay may natanggap na tip ang mga tauhan ng Taguig Police hinggil sa presensya ng mga armadong lalaki na sibilyan gayung umiiral ang enhance community quarantine.
Paparating pa lang ang grupo ng Intelligence sa pangunguna ni P/Chief Master Sgt. Arnaldo Pacleb sa lugar na binanggit nang napansin ang mga lalaking papalayo na tumatakbo patungo sa isang bahay kaya ito ay hinabol subalit sila ay pinapuputukan ng mga suspek dahilan upang makipagpalitan sila ng mga putok hanggang bumulagta ang tatlo.
Nakuha ng mga pulis sa mga suspek ang isang kalibre 45, isang kalibre 38; isang grenade rifle at isang MK2 Defragmentation grenade.
- Latest