Inimbitang health experts ‘di nagrekomenda ng ‘total lockdown’
MANILA, Philippines — “Wala pong nagrekomenda ng total lockdown.”
Ito ang inihayag kahapon ni Presidential Spokesman Harry Roque sa mga mediamen sa naganap na limang oras na pakikipagpulong ng mga health experts kay Pangulong Rodrigo Duterte noong Lunes.
Ang inirekomenda pa umano sa Pangulo ay magkaroon ng “modified” enhanced community quarantine sa Luzon kung saan luluwagan sa mga lugar na wala namang insidente ng COVID-19.
“Parang nagkaroon nga po ng concensus na ang approach kung ire-relax, ime-maintain, o ili-lift ay depende sa lugar at kung gaanong laganap ang sakit na COVID-19,” wika ni Roque.
Sinabi pa ni Roque na kinuha ang opinyon ng mga eksperto upang makuha ang kanilang pananaw sa nangyayaring health crisis at sa desisyong gagawin tungkol sa ECQ.
Aminado si Roque na bagaman at tuloy-tuloy ang meetings ng Inter-Agency Task Force, wala pa ring desisyon ang Pangulo kung anong gagawin matapos ang Abril 30 kung kailan itinakda ang pagtatapos ng ECQ.
Naniniwala rin si Roque na mas maraming options ang kailangan ng Pangulo bago siya nakapagdesisyon.
Related video:
- Latest