^

Police Metro

Giant firms na naglayasan sa China hikayating lumipat sa Pinas - Solon

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hikayatin ang mga higanteng kumpanya na naglalayasan na sa China sanhi ng  kahirapan sa supply na idinulot ng krisis sa COVID-19 na mag-invest at lumipat ng operasyon sa Pilipinas.

Ito ang iminungkahi ni Quezon City 2nd District Rep. Precious Hipolito Castelo sa pamahalaan sa gitna na rin ng mga ulat  na nag-aalok ng bilyong pinansyal na tulong  ang Japan sa mga Japanese companies na nago-operate sa China para humanap at lumipat na lamang ng operasyon sa iba pang mga bansa na mas mababa ang labor cost.

Maliban sa mga Japanese firms maging ang mga American at European companies ay ikinokonsidera na ring umalis na ng operasyon sa China dulot ng problema sa supply na kanilang kinakaharap bunga ng pandemic na virus.

Ang COVID-19 ay unang natukoy o nagsimula sa Wuhan City, Hubei Province sa China noong Disyembre ng nakalipas na taon at kumalat sa iba pang mga bansa sa mundo.

Inihayag ni Castelo na ang nasabing mga kumpanya ay malabong magsiuwi na lamang sa kanilang mga bansa para doon mag-operate lalo pa at malaki ang gastusin sa paggawa at mataas rin ang living standards.

Aniya, ang mababang gastusin sa paggawa ang sanhi kung bakit sa China mas pinili ng mga malalaking kumpanya na magtayo ng mga production plants pero dahil sa COVID-19 pandemic ay naglalayasan na rin ang mga ito.

COVID-19

HIPOLITO CASTELO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with