Para maipatupad ang social distancing…
MANILA, Philippines — Upang masigurong maipapatupad ang physical distancing sa mga pampublikong palengke at pamilihan sa bansa ay aatasan ang mga pulis at sundalo para magbantay dito.
Ito ang sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Nograles at makikipag-ugnayan ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa mga lokal na pamahalaan para gumawa ng sistema sa kani-kanilang palengke tulad na lamang ng pagpapatupad ng “1 entry, 1 exit policy” para makontrol ang dami ng tao.
Ang gagawin umanong joint social distan-cing teams ay bubuuin ng joint forces ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) na ide-deploy sa mga public markets katuwang ang mga LGUs.
Ipinaliwanag ni Nograles na ang hakbang ay napagkasunduan nila sa Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Disease dahil sa hindi umano sinusunod sa Balintawak Market sa Quezon City ang physical distancing.
Inilabas naman ni Sec. Delfin Lorenzana, chairman ng National Task Force on COVID-19 na base sa koordinasyon nila ni DILG Sec. Eduaro Año, epektibo kahapon ay kanilang ipatutupad ang security forces na maglilimita sa pasukan at labasan ng mga palengke na babantayan ng mga pulis at militar.
Lilimitahan din nila ang mga taong pupunta sa palengke at ang mga taong walang mahala-gang gagawin sa labas ng palengke ay kanila nang pauuwiin.
Anila, kapag pinayagan nila ang mga tao na lumabag sa pinaiiral na lockdown at social distancing protocols ay mababalewala ang tatlong linggo na pinaghirapan para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 sa bansa.
Sinabi naman ni Joint Task Force COVID Shield chief Police Lt. Gen. Guil-lermo Lorenzo Eleazar, na mas paiigtingin pa ang implementasyon ng enhanced community qua-rantine sa pamamagitan ng pagdaragdag ng pulis at barangay tanod para matiyak ang social distancing sa mga palengke laban sa COVID 19.
Ang JTF CoViD Shield ay enforcement arm ng IATF na kinabibilangan din ng PNP, AFP, PCG at Bureau of Fire Protection (BFP).