DOH: Spraying at misting ‘di nakapapatay ng COVID-19

“Spraying or misting does not protect against COVID-19, and may even cause harm,” ayon sa DOH kasunod ng nasabing ginagawang pamamaraan ng iba’t ibat lokal na pamahalaan na layong mapuksa ang virus.
AFP/Maria Tan

MANILA, Philippines — Inirekomenda ng Department of Health (DOH) sa mga local government units (LGUs), barangays at pribadong komunidad na iwasan ang ginagawang spraying at misting para labanan ang coronavirus disease 2019 (COVID-19) dahil hindi umano ito nakakapatay ng virus bagkus magdudulot pa ito ng panganib sa kalusugan ng mamamayan.

Sa inilabas na advisory ng DOH na may petsang Abril 9, 2020, sinabing hindi nakakatulong sa ngayon ang ginagawang misting at spraying sa paligid upang labanan ang coronavirus.

“Spraying or misting does not protect against COVID-19, and may even cause harm,” ayon sa DOH kasunod ng nasabing ginagawang pamamaraan ng iba’t ibat lokal na pamahalaan na layong mapuksa ang virus.

“The DOH strongly recommends to avoid spra-ying or misting at this time. There is no evidence to support that spraying of surfaces or large scale misting of areas, indoor or outdoor with disinfecting agents, kills the virus. Spraying has an additional health and safety concern as it can (1) any pathogens to be dispersed further from the direct application of a spray; (2) result to skin irritation or inhalation of chemicals and subsequent development of respiratory side effects, and (3) may also cause environment pollution,” dagdag ng DOH.

Mas mabuti umanong gawin ay ang direktang basaing mabuti ng tubig na may disinfectant ang lugar na nais linisin o i-disinfect upang mapatay ang nasabing virus.

Show comments