Pasay mayor naka-home quarantine

MANILA, Philippines — Dahil may nakasa­la­muha umanong positibo sa coronavirus si Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano ay nagpasya na siyang mag-home quarantine kaya’t hindi natuloy kahapon ang nakatakdang pamamahagi nito ng food packs.

Ayon sa hepe ng Pasay Public Information Office (PIO) na si Jun Bur­gos, may na­kasalamu­hang nagposi­tibo sa COVID-19 si Mayor Emi. Nakatakda na ring sumailalim sa COVID-19 test ang alkalde,

Ipinaubaya na lang ng alkalde sa mga barangay opisyal ang pamimigay ng food packs sa Brgy. 201, sa Merville Access Road, Kala­yaan Village, Pasay City.

Show comments