Pasay mayor naka-home quarantine
MANILA, Philippines — Dahil may nakasalamuha umanong positibo sa coronavirus si Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano ay nagpasya na siyang mag-home quarantine kaya’t hindi natuloy kahapon ang nakatakdang pamamahagi nito ng food packs.
Ayon sa hepe ng Pasay Public Information Office (PIO) na si Jun Burgos, may nakasalamuhang nagpositibo sa COVID-19 si Mayor Emi. Nakatakda na ring sumailalim sa COVID-19 test ang alkalde,
Ipinaubaya na lang ng alkalde sa mga barangay opisyal ang pamimigay ng food packs sa Brgy. 201, sa Merville Access Road, Kalayaan Village, Pasay City.
- Latest