^

Police Metro

Preso sa Taguig Police Station natigok sa pigsa

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Namatay ang isang 34-anyos na person under police custody (PUPC) sa Taguig City Police Station matapos maimpeksiyon ang kaniyang pigsa, kamakalawa ng hapon.

Ang biktima na idi­neklarang patay, alas-3:40 ng hapon sa Pateros District Hospital, Barangay Western Bicutan, Taguig City ay kinilalang si  Ramil Rubio Maltezo, ng San Juan, Taytay Rizal na may kasong paglabag sa  droga.

Sa ulat, dakong alas-11:30 ng umaga kamakalawa nang ipaalam ng da­lawang inmates sa Duty Custodial Officer ang dumaraing ng sakit ng kaniyang pigsa at nanginginig habang nasa loob ng selda.

Inilabas ng selda si Malteza at inilagay sa well-ventilated na lugar at itinawag sa Taguig Rescue Team at nang masuri ay agad na dinala sa nasa­bing ospital, subalit ilang oras lang ay binawian na ng buhay.

Sa pagsusuri ng mga doctor, nagkaroon ng “Septicemia” o mataas na lebel ng bacterial infection sa dugo si Malteza sanhi ng kanyang pigsa bunga rin ng sobrang init at siksikan sa selda at pumapasok na singaw ng nasa 42 units ng aircon ng mga katabing gusali bukod pa sa kulang sa bentilasyon.

Agad na iniutos ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief, P/Major General Debold Sinas ang pagsasagawa ng disinfection sa detetion facility at gawin ito ng regular at mandatory ang araw-araw na paliligo ng mga inmates.

Binigyan na rin ng mga antibiotic ang iba pang preso na may pigsa upang hindi na humantong sa sinapit ni Malteza.

vuukle comment

TAGUIG CITY POLICE STATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with