MANILA, Philippines — “Napapanahon na para lumikha ng mobile app na tutukoy sa mga taong tinamaan ng pandemic na virus upang mapabilis ang pagtugon sa krisis sa coronavirus disease 2019 ( COVID) 19 sa bansa.
Ito ang hiniling ni Bagong Henerasyon Partylist Rep. Bernadette “BH” Herrera sa mga software developers na tutukoy sa mga positibo sa COVID 19 at Persons Under Investigation (PUIs) upang magamot gayundin para maisailalim sa quarantine.
Anya, sa pamamagitan ng nasabing mobile app kapag natukoy ang mga positibo sa COVID-19 ay magiging mabilis ang pag-aksyon ng pamahalaan upang mapigilan na makahawa pa ng ibang indibidwal at huwag ng dumami pa ang mga tinamaan ng nasabing virus.