Biyuda ginilitan ng kuya dahil sa bigas

MANILA, Philippines — Isang 46-anyos na biyuda ang pinatay ng kanyang kuya matapos na magtalo sa bigas naganap kamakalawa sa Brgy.Labuay, Maigo, Lanao del Norte.

Ang biktima na namatay noon din dahil sa saksak sa katawan at pagkarit sa kanyang leeg ay nakilalang si Evelyn dela Peña Dollier.

Nahaharap naman sa kasong kriminal ang suspek na si Nolly dela Peña, 60. 

Sa ulat, bago naganap ang krimen, alas-10:30 ng gabi sa loob ng tahanan ng pamilya Dela Peña sa Purok 3, Labuay, Maigo, Lanao del Norte ay nagkaroon ng pagtatalo ang magkapatid dahilan sa bigas.

Sa tindi ng galit hindi na nakontrol ng suspek ay tinagpas nito ng matalim na karit sa leeg ang kapatid na hindi pa nakapagpigil ay pinasasaksak pa ang biktima na duguang bumulagta sa insidente.

Agad na binawian ng buhay habang ang suspek ay nasakote sa isang follow-up operation.

Show comments