Binatilyo dedo sa pagsayaw ng Tala

MANILA, Philippines — Idineklarang dead on arrival ang biktimang si Junrie Ramos, 14, nang aksidenteng mabagok ang ulo matapos mawalan ng panimbang habang nagsasayaw ng “Tala” naganap kamakalawa sa harap ng kanilang bahay sa Binmaley, Pangasinan.

Sa pahayag sa pulis­ya ng nakakatandang kapatid ng biktima na masa­yang nagpapraktis ito ng sayaw na Tala sa harap ng kanilang bahay nang aksidenteng nadulas at sa kamalasan ay nabagok ang ulo sa semento.

Sinabi ni Jessel na big­lang huminto ang tugtog sa speaker at paglingon niya nakita niyang nakahandusay at nakadapa na ang biktima.

Ang “Tala” ay isang pa­­mosong sayaw na inter­pretasyon ng isang awitin na usong-uso lalo na sa mga kabataan.

Show comments