^

Police Metro

Tulong medikal sa mga mahihirap sa Palayan City, sinagot ng mayor

Pang-masa

MANILA, Philippines — Kapag walang pambayad sa ospital para sa kanilang pagpapagamot ay alam na ng mga mahihirap na residente ng Palayan City, Nueva Ecija kung saan sila lalapit.

Kung hindi sa City Hall ay sa bahay mismo ni Palayan City Mayor Rianne Cuevas nagtutungo ang mga kapuspalad at hindi naman sila nabibigo.

Tulad na lamang ng isang 78-anyos na si Guiler­mo Barrientos, mula sa pagpapa-check up hanggang sa pagpapa-opera ng bukol ay sinasagot ni Mayor Cuevas ang gastusin dahil walang wala rin naman ang kanyang mga anak at apo.

Nailabas naman ng isang ina mula sa Brgy. Imelda, Palayan City sa pamamagitan ng ceasarian operation sa isang private hospital sa Cabanatuan City ang premature na paternal twins na sanggol makaraang bayaran ni Mayor Cuevas ang bill nito na mahigit sa P100,000.

Inako rin ng alkalde ang lingguhang check-up at theraphy ng apat na magkakapatid ng pamilyang Novicio dahil sa kakaibang sakit sa buto.

Ayaw magpa-interview ang mayora hinggil sa nasabing pagtulong pero ayon sa kanyang staff, mula sa simpleng paracetamol hanggang sa operasyon at theraphy ay sinasagot kapag mahirap ang isang Novo Ecijano ang lumapit sa kanya.

PALAYAN CITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with