2 kagawad tinodas sa barangay hall

Sa ulat, alas-9:00 ng umaga ay papasok sa gate ng Dominorog barangay hall ang dalawang biktima nang sumulpot ang hindi pa nakilalang suspek at pagbabarilin sila.
File

MANILA, Philippines — Sa harap ng barangay hall pinagbabaril at napatay ng nag-iisang gunman ang dalawang brgy. kagawad, kamakalawa sa Brgy. Dominorog, Talakag, Bukidnon.

Kapwa nasawi ang mga biktimang sina Brgy. Kagawad Lorenzo Pedyaan at Mauricio Ginto.

Sa ulat, alas-9:00 ng umaga ay papasok sa gate ng Dominorog barangay hall ang dalawang biktima nang sumulpot ang hindi pa nakilalang suspek at pagbabarilin sila.

Isinasailalim pa sa masusing imbestigasyon ng mga otoridad ang motibo ng krimen.

Show comments