Mas mapanganib sa ‘ashfall’ ang polusyon mula sa ‘coal’
MANILA, Philippines — Kung ikukumpara sa ashfall na nagmula sa pumutok na bulkan ay mas mapanganib at nakamamatay ang polusyon na ibubuga ng ‘coal’ o karbon.
Paliwanag ni Ian Rivera, National Coordinator of the Philippine Movement for Climate Justice (PMCJ) na ang ashfall mula sa Taal ay may sangkap lamang na PM10 at sulfur dioxide, habang ang mga coal plants ay may PM 2.5, na may malilit na butil na mas mapanganib at nakamamatay dahil may iba pang nakalalasong sangkap na carcinogenic, mercury at arsenic.
Kaya’t binatikos ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) dahil sa tila kawalan nito ng ambisyon at paninindigan na proteksiyunan ang kalikasan sa bansa, dahil sa patuloy na pagkiling nito sa pagtatayo ng mga ‘coal power plants’ sa bansa.
- Latest