Mag-lover binistay ng bala sa loob ng bahay

MANILA, Philippines — Kapwa dead on the spot ang isang maglive-in nang pasukin ang kanilang bahay ng dalawang lalaki at pagbabarilin, naganap kamakalawa ng gabi sa Sorsogon City, Sorsogon.

Ang dalawang nasawi ay kinilalang sina Lawrex Roy Tina Marinda, tricycle driver at Moriel Barsaga Sola, pawang nasa hustong gulang at residente ng Sitio San Lorenzo, Brgy. Bibincahan ng nasabing lungsod.

Sa ulat, bandang alas-6:50 ng gabi ay nagpapahinga sa kanilang sala ang mga biktima sa loob ng kanilang bahay na matatagpuan sa Sitio San Lorenzo, Brgy. Bibincahan nang pasukin ng dalawang armadong kalalakihan at bigla na lamang silang pinagbabaril.

Show comments