^

Police Metro

Paglikas sa mga OFW sa Middle East, ipinahahanda

Malou Escudero - Pang-masa
Paglikas sa mga OFW sa Middle East, ipinahahanda
Nilinaw naman ni Pimentel na wala namang pinapanigan ang Department of Foreign Affairs at hindi na dapat palalain pa ang sitwasyon.
Twitter/Elmer Cato

MANILA, Philippines — Bunsod ng tumitinding tensiyon sa Middle East, igi­niit kahapon ni Senator Aquilino “Koko” Pimentel na dapat maghanda na ng evacuation plan ang gobyerno para sa paglilikas ng mga overseas Filipino workers (OFWs) lalo na iyong mga nasa Iran, Iraq at Syria.

Ayon kay Pimentel dapat ay nakalatag na ang mga dapat gawin at gawing prayoridad ang kapakanan ng mga OFW.

Nilinaw naman ni Pimentel na wala namang pinapanigan ang Department of Foreign Affairs at hindi na dapat palalain pa ang sitwasyon.

Lumutang kahapon ang pangamba na mauwi sa World War 3 ang ginawang airstrike ng Amerika sa Iraq kung saan nasawi ang Iranian commander na si Qasem Soleimani.

Pinangangambahan naman ni Pimentel ang posib­leng pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo dahil sa tensiyon.

Ayon kay Pimentel, dapat seryosohin ng Department of Energy ang paghahanap ng bagong mapagkukunan ng langis tulad ng pagbili ng gobyerno ng langis mula sa Russia.

Idinagdag ni Pimentel na may bahagi ang Russia na hindi naman malayo sa Pilipinas kaya dapat pag-aralan ang pagbili ng langis sa nasabing bansa.

LIBYA

OFW

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with