Parak na galing xmas party itinumba

Batay sa ulat, bago naganap ang insidente, alas-7:20 ng gabi sa kahabaan ng ML Quezon Street, Purok 1 Brgy. Bagumbayan ay sakay ang biktima ng kanyang Yamaha Nmax scooter at pauwi na ng kanyang bahay matapos na dumalo sa Christmas party sa kan­yang unit sa kampo.
File

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang isang pulis makaraang tambangan ng apat na salarin habang sakay ng kanyang motorsiklo kamakalawa ng gabi sa Taguig City.

Ang biktima na na­matay noon din ay nakilalang si P/MSg Napoleon Zamora, 45, nakatalaga sa Regional Headquarters Support Unit ng National Capital Regional Police Office sa Camp Bagong Diwa, Taguig City at na­katira sa Block 42, Lot 4, Southville 3, Brgy. Poblacion, ng naturang lungsod.

Batay sa ulat, bago naganap ang insidente, alas-7:20 ng gabi sa kahabaan ng ML Quezon Street, Purok 1 Brgy. Bagumbayan ay sakay ang biktima ng kanyang Yamaha Nmax scooter at pauwi na ng kanyang bahay matapos na dumalo sa Christmas party sa kan­yang unit sa kampo.

Ilang metro pa lang nakakalayo ang biktima mula sa kampo nang ito ay tambangan ng apat na suspek.

Nang matiyak na na­patay ang biktima ay ma­bilis na nagsitakas ang mga suspek sa iba’t ibang direksyon. Bigo ang mga pulis na masakote ang apat na suspek.

Show comments