^

Police Metro

P28 milyon laan ng Quezon City government sa Bantay Bata 163

Angie dela Cruz - Pang-masa
P28 milyon laan ng Quezon City government sa Bantay Bata 163
Ayon kay Mayor Joy Belmonte, muling nilagdaan ng lokal na pamahalaan ang kanyang partnership sa Bantay Bata 163 Children’s Village ng ABS-CBN Foundation para sa pangangalaga at proteksyon ng mga kabataan lalo na ng mga kabataang mula sa QC.
Philip Sebastian Belmonte /File

MANILA, Philippines — Naglaan ang Quezon City government ng P 28-milyong financial assistance para sa Bantay Bata 163 Children’s Village para masustina ang pabahay at kalinga sa mga kabataan na nanga­ngailangan ng medium hangang long-term rehabilitation ng lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng Social Service Development Department (SSDD).

Ayon kay Mayor Joy Belmonte, muling nilagdaan ng lokal na pamahalaan ang kanyang partnership sa Bantay Bata 163 Children’s Village ng ABS-CBN Foundation para sa pangangalaga at proteksyon ng mga kabataan lalo na ng mga kabataang mula sa QC.

Ang hakbang ay bahagi ng pagdiriwang ng Childrens month.

“Malapit talaga sa puso ko ang mga kabataan dahil tingin ko, sila talaga ang kinabukasan ng ating bayan,” ayon kay Belmonte.

Ang Children’s Village sa Norzagaray Bulacan ang tinutuluyan ng mga abandoned, abused, at exploited na mga kabataan. Ang village ay nagkakaloob din ng therapy at iba pang prog­rama sa tulong ng mga eksperto at mga bihasang social workers na siyang nangangalaga sa mga kabataan.

Ang mga natutulu­ngan ng Bantay Bata 163 ay napapagkalooban din ng Bantay Edukasyon scholarship assistance.

BANTAY BATA 163

SOCIAL SERVICE DEVELOPMENT DEPARTMENT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with