2 lalaking nakagapos, sinalvage

Sa ulat ni Brgy. Chairman Jeremias Leron Jr., dakong alas-5:30 ng umaga nang matagpuan ang dalawang bangkay ng biktima ng isang residente na napadaan sa lugar habang nagpapastol ng kalabaw.
File

MANILA, Philippines — Natagpuang patay kahapon ng umaga ang dalawang hindi pa nakilalang lalaki na nakagapos at may tama ng mga baril sa kahuyan malapit sa diversion highway ng Purok-4, Sitio Cawalog, Brgy. Bariis, Legazpi City, Albay.

Ang dalawang biktima na ang isa ay nasa 20-hanggang 25-anyos habang ang isa ay nasa 13 hanggang 17-anyos na kapwa may tama ng bala sa sentido at iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa ulat ni Brgy. Chairman Jeremias Leron Jr., dakong alas-5:30 ng umaga nang matagpuan ang dalawang bangkay ng biktima ng isang residente na napadaan sa lugar habang nagpapastol ng kalabaw.

Kapwa nakagapos sa likod ang dalawang kamay at nakasubsob ang mukha na posibleng pinaluhod muna saka binaril sa ulo at katawan.

Hindi kilala ng mga residente ang dalawang biktima na posibleng dinala sa nasabing lugar at doon pinaslang.

Ayon sa ilang residente, sunud-sunod na putok ang kanilang narinig dakong alas-7:00 ng gabi at dahil sa malayo sa mga kabahayan at madilim ay walang nakakita sa mga gunmen.

Walong basyo ng bala ng kalibre 45 at kalibre 9mm ang nakuha sa crime scene.

Show comments