2 rider tepok sa salpok

MANILA, Philippines — Dalawang motorcycle rider na kinabibilangan ng isang sundalo at isang babae ang nasawi nang ang kanilang minamanehong motorsiklo ay sumalpok sa magkahiwalay na insidente sa Noveleta at Silang, Cavite.

Namatay ang biktimang si Nikko Brian Cambonga, 21, miyembro ng Philippine Airforce, ng Pasay City nang sumalpok dakong alas-2:30 ng madaling araw ang minamanehong motorsiklo sa railings sa kahabaan ng Manila-Cavite road Brgy. San Rafael 4, Noveleta, Cavite.

Namatay din ang biktimang si Diana Rose Catulay, ng Brgy, Tartaria nang tumalsik ito sa minamanehong motorsiklo nang masalpok dakong ala-1:30 ng mada­ling araw ang isang lalaking lasing na tumatawid sa kahabaan ng Tagaytay- Sta. Rosa Road, Brgy. Tartaria Silang,Cavite.

Ang nasalpok nito ay kinilalang si John Alvin Castillanoy Tamba na nasugatan at inoobserbahan sa pagamutan.

Show comments