Trike driver binoga ng pasahero, dedo

MANILA, Philippines — Dead-on-the-spot ang isang 47-anyos na tricycle driver matapos barilin sa ulo ng kanyang pasahero naganap sa Brgy. Bagong Silang, Buenavista, sa lalawigan ng Quezon, kamakalawa ng gabi.

Isang tama ng bala sa ulo ang tumapos sa buhay ng biktimang si Alberto Cahayon, may asawa, at residente ng naturang lugar.

Sa ulat ng pulisya, nakipag-inuman ng biktima sa kanyang mga kaibigan sa Sitio Baag, dakong alas 9:00 ng gabi at nang malasing ay nagpaalam na upang umuwi sa kanyang bahay.

Hindi pa nakakalayo ang biktima na sakay ng kanyang minamanehong trike nang pinara ito ng hindi nakilalang lalaki at sumakay sa likuran.

Maya-maya ay naka­rinig ng putok ng baril ang mga residente at nakitang duguang nakasubsob sa manibela ng motor ang biktima.

Inaalam na ang motibo sa krimen at ang pagkakakilanlan ng suspek na tugis na ng mga otoridad.

Show comments